Tandaan ang mga Tunay na Bayani

Ilang araw matapos ang patago, madalian at gwardiya-saradong paglibing ng diktador na Ferdinand Marcos sa LNMB, ang tandaan natin ay ang mga tunay na bayani ng bayan.

 

Sila ang mga lumaban at lumalaban sa Diktadura. Buhay ang alaala ng mahigit 100,000 na walang pakundangang pinatay at winala; ang libo-libong iligal na inaresto at kinulong ng walang paratang; ang hindi na mabilang na pinahirapan ng pang-aabusong sekswal, hamletting, at mitarisasyon.

 

Pagmasdan din ang mga mamamayaang naghihikahos at hangang ngayon ay nagbabayad sa mga utang na naiwan habang US$10 bilyon ang tangay ng pamilyang Marcos at marami pang tinagong bank deposits.

 

Patuloy naman ang pakikibaka ng mamamaya sa mga kabulukang iniwan ng demokrasyang niyurakan ng batas militar tulad na lamang ng panakot na iwawalang kwenta ang writ of habeas corpus.

 

Hindi mababaon ang katotohanan.